Friday, February 3, 2017

Wikang panturo:Filipino o Ingles (tekstong argumentatibo)

ni Aimee Capablanca

Ayon kay Vivencio Jose, ang dapat na gamiting midyum sa pagtuturo ay ang wikang Filipino sapagkat mas madaling matututo ang mga mag-aaral kung ang wikang kanilang nauunawaan ang gagamitin ng guro sa pagtuturo. Sinasabi rin na, wikang Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa. Ngunit magmula nang ipatupad ang K-12 Program ng pamahalaan, tila nag-iba ang ihip ng hangin at ginawang Mother Tongue ang midyum na gagamitin sa pagtuturo. Anong nangyari't tila naisasantabi ang wikang Filipino bilang Lingua Franca at midyum sa pagtuturo?

      Wikang Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa. Ginagamit na midyum sa pagtuturo sa paaralan upang madaling maintindihan ng mga mag-aral ang mga itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro. Ipanakikita lamang nito na, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabase sa midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sapagkat ang mga mag-aaral ay madaling matututo kung ang gagamiting midyum sa pagtuturo ay ang wikang kanilang naiintindihan. Ayon pa sa sanaysay, ang wikang Filipino ay instrumento upang magkaunawaan ang mga tao sa lipunan. Ngunit isa rin daw itong instrumento na ginagamit lamang sa pakikipag-usap ng iba sa kanilang mga katulong upang sila ay magkaintindihan. Tila kay baba ng tingin sa ating wika o di naman kaya'y, epekto lamang ito ng kanyang kinalakihang lipunan dahil sa kanyang estado ng kanyang pamumuhay na kinalakihan. Ngunit kahit saang anggulo tingnan, nagiging mali angpaggamit ng wika dahil sa mga nagiging pananaw nito sa paggamit ng wika
Ang wikang Filipino ay sariling atin kung kaya marapat lamang na atin itong mahalin, gamitin ng tama at pagyamanin. Sapagkat kung ating ilalagay ang ating sarili sa sitwasyon ng isang bansang walang wika, marahil,
tayo na ngayo'y nagkakagulo sapagkat wala ang wika na siyang sandigan ng ating pamumuhay at kaayusan. Walang instrumento na siyang magagamit upang tayo ay magkaunawaan. Samakatuwid, sa halip na isangtabi at maliitin ang wikang Filipino, atin na lamang itong pagyamanin at ipagmalaki sapagkat ang wika ay katulad ng panitikan na lakas na nagpapagalaw sa lipunan at sa mga taong nakapaloob rito. Kung kaya, ang wikang Filipino ay marapat lamang na ipagmalaki, pahalagahan at mahalin.


 tayo na ngayo'y nagkakagulo sapagkat wala ang wika na siyang sandigan ng ating pamumuhay at kaayusan

1 comment: