Hindi lahat ng tao o mamamayan dito sa Pilipinas ay merong makakain, hindi rin lahat may bahay at may maayos na damit. Hindi natin alam na marami pala sila at hanggang ngayon parami nang parami sila. Paano masusulosyunan nang ating gobyerno ito?
Naghihirap tayong mga pilipino dahil wala tayong sapat na trabaho at isa sa mga dahilan kung bakit wala tayong sapat na trabaho ay dahil hindi tayo nakapagtapos. Kadalasan pa nga sa mga pilipino na mahihirap ay sila pa yung nag aasawa nang maaga, at kahit alam nila na kapos na sila sa pera nagpaparami pa nang mga anak. Hindi nila iniisip kung ano ang kakainin ng mga anak, kung ano ang susuotin ng mga anak nila. Hindi naman natin sila masisisi kung bakit ganyan ang kalagayan nila, pero sa isipin rin nila ang kanilang kalagayan. At kung hindi pa sila nagpapamilya, kailangan muna nilang mag aral nang maigi kahit mahirap sila, para kung nagkaroon na sila nang pamilya hindi na sila mahihirapan sa paghahanap nang pagkain.
Ano Ang tunggalian?
ReplyDeleteAno ang sanggunian ng naratib na iyan?
ReplyDelete