Thursday, February 2, 2017

Ang Unang Pagkakataon (tekstong Naratibo)

ni Wilfrex A. Talabon

Naranasan mo na bang manligaw? Halos lahat siguro sa atin ay may karanasan na sa panliligaw. Iba’t –ibang istorya na kung minsan ay nagpapabago sa ating buhay. Ngunit isa lamang ang aking masasabi, tunay na nagiging inspirado ka kapag ikaw ay nagmahal. Ganito rin ang aking naranasa nang ako ay unang nanligaw sa isang magandang binibini sa kalagitnaan nga king pag-aaral sa sekundarya. Hayaan mong iparating ko sa inyo ang aking karanasan.

Napakainit ng araw na iyon. Ngunit ni isang pawis ay walang lumalabas sa aking katawan sapagkat iba ang aking pakiramdam. Yu’ng tipong hindi mo maintindihan kung ano talaga ito. Sa aking pagninilay habang pasikretong sumisilip sa kaniyang mala-anghel na mukha, maraming mga tanong ang pumasok sa aking isipan. Sinabi ko sa aking sarili na kahit hindi ako kaguwapuhan, kailangang akin itong maipaalam lalo na’t alam kong maraming umaaligid sa kaniya. Kaya pinatatag ko pa ang aking loob kahit alam ko na maaaring hindi magiging maganda ang aking gagawing desisyon para sa oras na aking pinakahinihintay. Dahil half day kami noong araw na iyon, sumabay ako sa kaniya pauwi na lagi namang nangyayari sapagkat naging kaibigan ko na siya bago pa ako nagdesisyong gawin ang pinakanakakatawa ngunit pinakaseryosong araw sa aking buhay. Pinili ko munang pasayahin ang bawat minuto na aming nakakasalubong dahil malayo pa naman ang aming paglalakbay. Mga karanasang hindi ko dapat sinabi ngunit nasabi ko alang-alang sa aking plano.
Nang naramdaman kong panahon nanga ito para sa aking plano, tinanong ko siya “May nanliligaw ba sa’yo?’ Sa aking pagkakasabi, parang nawasak ang aking pagkatao dahil nahihiya ako lalo na’t isa nga akong torpeng tao. Pagkatapos, doon na nagsimula ang aking kaba, kaba sa mga susunod pang pwedeng mangyari. Nagsisimula nang lumatay at umakyat ang mga dugo sa aking katawan patungo sa aking ulo.
Sa mga sumunod na eksena mas lumabas pa ang aking pagkatao. Napalundag ang puso ko sa tuwa at surpresa nang sinabi niyang “Marami naman, Ngunit may hinihintay ako”….Sino banamanang mag-aakala na sasabihin niya ang ganoong pangugusap sa kaniyang kagandahan. Tuluyan na ngang tinunaw ng kaniyang malambot at maliit na tinig ang aking puso at nilamon ng saya ang buo kong pagkatao. Hindi ko na siya tinanong kung sino pa. Alam ko na kung sino iyon, syempre sino pa ba kundi ako lang at wala nang iba.


Ngunit nagkaroon nga ng maliit na kumplikasyon, hindi ko masabi ang aking naramdaman. Parang kumumpol at lumukot ang aking dila, hindi ako makapagsalita…..Kaya tinawanan niya ako at sa pinakaunang pagkakataon, ako ay nagpatulong sa kaniya nasabihin ang gusto ko’ng iparating. 
Alam kung nakakatawa iyon ngunit ako ay nagpasalamat na napagtagumpayan ko ang aking ninais hindi man sa pinakamagandang paraan gaya nang iba, ngunit tiniyak kung maging masaya siya sa piling ko higit pa sa iba. Naging masaya naman kaming dalawa…..Kaya nasabi ko na lang na “kapag ikaw ay umibig,hahamakin mo anglahat masunod lamang ang iyong ninanais”….

No comments:

Post a Comment