ni Wilfrex A. Talabon
Sa kasalukuyan, napakaraming mga isyu ang kinakaharap ng ating bansa. Ngunit sa mga isyung ito ang pagtutuunan ko ng pansin ay ang pinakamalala sa lahat – ang isyu sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang tekstong ito upang malaman at mapagtanto mo ang mga maling gawaing iyong ginagawa sa kapaligiran na nakakasira sa paraisong iyong pinaglilingkuran at maging sa iyong mga mahal sa buhay.
Madalas
na pagsunog ng mga plastics, patuloy na pagtapon ng mga basura kahit saan,
hindi pinapalitang pagputol ng mga punong-kahoy sa kagubatan, ilan lamang iyan
sa napakaraming simpleng mga bagay na iyong ginagawa sa araw-araw ngunit nakakapekto sa pagkasira ng mundong
iyong ginagalawan. Ang pagkasira ng ating kapaligiran ang nagiging dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong daigdig. Ang lumalalang sitwasyong ito ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming.
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientists at mga eksperto na ang pinaka-dahilan nito ay ang pagsusunog ng fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. Sa patuloy mong pagsusunog ng plastics sa bawat araw, unti-unti ring nabubutas ang ozone layer na siyang nagsisilbing filter o tagasala ng ultraviolet rays o mapanganib na init mula sa araw. Direktang nakakapasok ang mapanganib na init at nagkakaroon ng masamang epekto na sa kasamaang palad ay siya na ngang nangyayari sa kasalukuyang panahon.
Ngayong alam mo na nangyayari na nga ito, ano ang gagawin mo? Gusto mo bang maapektuhan pati ang iyong pamilya? Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming kundi mas mararamdaman pa ito ng iyong mga anak at kanilang pamilya kung hindi ito maaagapan.
Nararapat lamang na hanggang may panahon pa ay kumilos ka na. Napakahalagang alamin mo kung ano ang iyong mga ginagawa sa pang-araw-araw na nakakasira sa ating kapaligiran. Kailangan lamang na makiisa ka sa iyong kapwa sa pagharap sa problemang ito. Huwag mo sana itong ipagsawalang bahala sapagkat napakalaki ng iyong ambag sa pagtulong, hindi lamang para sa iyong sarili kundi para rin sa iyong pamilya at bayan. Huwag ka na sang dumagdag pa sa mga taong patuloy na pumapatay at sumisira sa kagandahan ng mundong iyong ginagalawan.
No comments:
Post a Comment