Wednesday, February 1, 2017

Paggawa ng Bukayobukayo (Tekstong Prosidyural)

ni Wilfrex Talabon

 

MGA SANGKAP SA PAGULUTO
2pirasokinudkod na niyog
2dahonpandan
1kiloasukal na pula
2kutsaravanilla extract
2tasabuko juice
½tasacornstarch
1tasatubig


Paraan ng pagluto

Una, sama-samang pakuluin ang buko juice, asukal at dahon ng pandan hanggang matunaw at maging malapot.

Pangalawa, ilagay ang vanilla extract. Alisin ang dahon ng pandan.

Pangatlo, iluto ang kinudkod na niyog sa may kawali na may konting mantika hanggang maging medyo mamula-mula ito.

Pagkatapos, ilagay ang syrup at palaputin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tinunaw na cornstarch sa tubig.

Panglima, patuloy na haluin upang ang syrup ay kumalat ng mabuti sa kinudkod na niyog, palaputin at lutuin maigi ang bukayo.

Pang-anim, kung luto na, isalin ang bukayo sa mangkok 

at panghuli, Bilugin ng maliit habang mainit pa.

No comments:

Post a Comment