ni Wilfrex A. Talabon
Ang buhay ay sadyang napakahalaga sa mundo. Buhay na hindi kailanman
mabibili at mabibigay sa kahit nino man. Kaya, lahat ay may karapatang maging
malaya at mamuhay ng payapa. Ang buhay na inihandog sa atin ay maituturing na
regalo ng Diyos na karapat-dapat lamang na ipagpasalamat at ingatan sapagkat
ang Diyos lamang ang may karapatang bawiin iito.
Ngunit nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang buhay na ipinagkaloob
at ipinagkatiwala sa atin ay walang awang inaabuso at nilapastangan ng iilan.
Isa sa mga isyung kinabibilangan nito na dapat bigyang pansin ay ang isyu ng
aborsyon o pagpapalaglag. Ito ay ang sinasadyang pagtanggal ng embryo o fetus
sa loob ng matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Ginagawa natin ang
pagpapalaglag dahil sa sobrang populasyon. Maaaring naging bunga rin ito ng
kasalanan gaya ng panggagahasa. Isang napakalaking kwestyon ang gumugulo sa
ating utak. Kung ikaw ang nasa ganitong posisyon, dapat ba ito o hindi?
Para sa akin, huwag na nating guluhin at kalikutin pa ang ating isipan
sapagkat hindi kailanman nagiging tama ang pagpapalaglag.Una,Hindi sapat na
rason angpagdami ng populasyon sa aborsiyon sapagkat napakaraming mga alternatibo
at paraan upang atin itong makontrol lalo pa’t tayo ay nasa henerasyon ng
makabagong teknolohiya na.
Ang aborsyon ay isang krimen sapakat ito ay pagpatay. Ang sinumang
nagtatangkang kitlin ang buhay o kumitil ng buhay ay mapaparusahan.
Hindi ito karapat-dapat sa harap ng Diyos. Kahit pa anong sabihin
natin, mapait man ang mga ala-alang naranasan o sinadya kahit alam mong hindi
pa ito ang takdang panahon para sa pagbubuntis, ang bata ay likha ng Diyos. Ano
pa’t ang ating bansa ay isang bansa ay kilala dahil sa pananampalataya at pananalig sa
Diyos. Kung ang ating pinoproblema ay ang ating kinabukasan sa pag-aalaga ng
bata, o kaya ay wala pa tayo sa tamang edad upang gawin ang napakabigat na
tungkulin, hindi iyon kasalanan ng bata. Kung hindi man, huwag mo’ng gawin kung ano iyong
sariling kagustuhan, huwag mo’ng pangunahan ang Diyos sa Kaniyang plano sa iyong buhay at maging sa biyayang ipinagkaloob sa iyo. Ito ay gawain lamang mga taong nagdududa sa kakayahan ng Diyos at
sa kaniyang mga plano sa ating buhay.
Ang tanging maaaring maging rason lamang siguro para dito sa akin ay
kung ang pinag-uusapan na ay ang kaligtasan ng buhay niyong mag-ina. Ngunit,
kapatid muli, pinaaalahanan kita na huwag mo’ng pangunahan ang Panginoon sa napakagandang plano na kaniyang inihanda para sa iyo. Humingi ka muna ng pahintulot at gabay upang
hindi ka mapunta sa maling desisyon. Gawin natin ang tama, pahalagahan at
ingatan ang buhay.
No evidence
ReplyDeleteKaya nga argumentatibo, naglalaman Lang ng paniniwala or kuro kuro🙄
Deletemali, pag argumentatibo dapat all about FACTS lang siya. May mga basehan ganon.
Deleteargumentatibo dapat ay may mga datos na binabasihan at hindi sariling opinion lamang
Deleteand ebedensya nya ay sa Bibliya
DeleteThis is a a nice study about aborsyon...thank u for sharing .
ReplyDeleteIt really helps me a lot with my project
ReplyDeleteAnu ang argumentong makikita sa teksto
ReplyDeletemaraming slmt mga vro's dito sa topic na ito para sa mini pt ko sa filipino maraming salamat mga vro's
ReplyDeleteTungkol SaaN ang teksto?
ReplyDelete