ni Erica Dianne Pescones
Ang sitaw, ay masustansya
lalo na sa protina.Tinatawag din itong "karne ng
mga Mahirap"
Paraan ng Pagtatanim
Araruhin at suyurin
nang 2-3 ulit ang lupang taniman upang ito’y maging
pino at buhaghag.
Magtanim ng 2-3 binhi sa lalim na 3 sentimetro sa
bawat tundos na may
60-80 sentimetrong agwat sa bawat tudling na may
isang metrong pagitan.
Maglagay ng tulos sa bawat tundos kapag sumibol
na ang tanim.
Maglinang nang minsan
o dalawang beses at mag-alis ng damo.
Patubigan ang pananim
tuwing ika-10 araw kung tag-araw.
Maglagay ng abono sa
mga tudling bago magtanim. Kakailanganin ang
250 kilong abono sa
bawat ektarya.
Ang mga murang bunga
na panggulay ay maaani pagkaraan ng 60-80
araw pagkatanim. Ang
mga tuyong bunga ay maaani pagkaraan ng
tatlong (3) buwan.
Ang mga uod, uwang,
langaw (bean-fly) at kuto (aphids) sa halaman ang
mga peste na sumisira
sa pananim na sitao. Upang mapangalagaan ang
mga pananim, magbomba
ng Sevin kung kinakailangan.