Friday, February 3, 2017

Kilawing Puso ng Saging (tekstong prosidyural)

ni Aimee Capablanca

Madalas gawin ng kasambahay namin noong bata pa ako, dahin napapaligiran ng sagmadalas ang isda ay pinipirito para tumagal ng ing na saba ang aming bahay sa bukid, kaya masagana ang puso ng saging, at dahil wala pang kuryente noong mga araw na yon, wala ring refrigerator, kaya mga ilang araw, at mula nang matikman ko itong kilawin na puso ng saging lagi na akong nagpapahanda sa kasambahay namin para partner ng prito, talagang busog sarap. :-).

Mga sangkap
1 Puso ng saging
1 kutsarang Luya ( dinikdik) 
 1/2 cup vinegar
1/2 onion
1/2 cup kakang gata
asin




Paraan ng pagluto:
1. Linisin ang puso ng saging sa pamamagitan ng pag alis ng matigas na bahagi nito, hiwain at pakuluan hanggang sa lumambot.





2.Kapag malambot na alisin sa tubig at hiwain ng maliliit. Pagkatapos mahiwa ay pigain hanggang maalis ang katas at isama sa iba pang mga sangkap at timplahan ng asin, paghaluing mabuti saka ihain.




Menor de Edad, dapat nga bang Ikulong? (Tekstong Argumentatibo)

ni Erica Dianne Pescones
Tulad nga ng sinabi ni outgoing Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Dinky Soliman, ako rin ay tutol sa panukalang ibaba ang edad ng kabataang maaaring makulong.
base sa pag-aaral ng mga dalubhasa ay hindi pa masyadong nauunawaan ng mga batang may edad na 12-anyos pababa ang tama at mali.
Mariin ko'ng sasabihin na sa pag-aaral ng US at Mexico, hindi solusyon ang pagpapakulong sa menor-de-edad dahil malaki ang epekto nito sa kanilang buhay.
Dagdag pa rito, posibleng ginagamit lamang ng mga sindikato ang mga kabataan na gumagawa ng krimen gaya ng panghoholdap, pagtutulak ng droga at iba pa.
Kaya hindi talaga dapat na ikulong ang mga batang menor de edad.

Wikang panturo:Filipino o Ingles (tekstong argumentatibo)

ni Aimee Capablanca

Ayon kay Vivencio Jose, ang dapat na gamiting midyum sa pagtuturo ay ang wikang Filipino sapagkat mas madaling matututo ang mga mag-aaral kung ang wikang kanilang nauunawaan ang gagamitin ng guro sa pagtuturo. Sinasabi rin na, wikang Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa. Ngunit magmula nang ipatupad ang K-12 Program ng pamahalaan, tila nag-iba ang ihip ng hangin at ginawang Mother Tongue ang midyum na gagamitin sa pagtuturo. Anong nangyari't tila naisasantabi ang wikang Filipino bilang Lingua Franca at midyum sa pagtuturo?

      Wikang Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa. Ginagamit na midyum sa pagtuturo sa paaralan upang madaling maintindihan ng mga mag-aral ang mga itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro. Ipanakikita lamang nito na, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabase sa midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sapagkat ang mga mag-aaral ay madaling matututo kung ang gagamiting midyum sa pagtuturo ay ang wikang kanilang naiintindihan. Ayon pa sa sanaysay, ang wikang Filipino ay instrumento upang magkaunawaan ang mga tao sa lipunan. Ngunit isa rin daw itong instrumento na ginagamit lamang sa pakikipag-usap ng iba sa kanilang mga katulong upang sila ay magkaintindihan. Tila kay baba ng tingin sa ating wika o di naman kaya'y, epekto lamang ito ng kanyang kinalakihang lipunan dahil sa kanyang estado ng kanyang pamumuhay na kinalakihan. Ngunit kahit saang anggulo tingnan, nagiging mali angpaggamit ng wika dahil sa mga nagiging pananaw nito sa paggamit ng wika
Ang wikang Filipino ay sariling atin kung kaya marapat lamang na atin itong mahalin, gamitin ng tama at pagyamanin. Sapagkat kung ating ilalagay ang ating sarili sa sitwasyon ng isang bansang walang wika, marahil,
tayo na ngayo'y nagkakagulo sapagkat wala ang wika na siyang sandigan ng ating pamumuhay at kaayusan. Walang instrumento na siyang magagamit upang tayo ay magkaunawaan. Samakatuwid, sa halip na isangtabi at maliitin ang wikang Filipino, atin na lamang itong pagyamanin at ipagmalaki sapagkat ang wika ay katulad ng panitikan na lakas na nagpapagalaw sa lipunan at sa mga taong nakapaloob rito. Kung kaya, ang wikang Filipino ay marapat lamang na ipagmalaki, pahalagahan at mahalin.


 tayo na ngayo'y nagkakagulo sapagkat wala ang wika na siyang sandigan ng ating pamumuhay at kaayusan

Thursday, February 2, 2017

Paraan sa Pagtatanim ng sitaw (Tekstong prosidyural)

ni Erica Dianne Pescones
Ang sitaw, ay masustansya
lalo na sa protina.Tinatawag din itong "karne ng 
mga Mahirap"




Paraan ng Pagtatanim

Araruhin at suyurin nang 2-3 ulit ang lupang taniman upang ito’y maging
pino at buhaghag. Magtanim ng 2-3 binhi sa lalim na 3 sentimetro sa
bawat tundos na may 60-80 sentimetrong agwat sa bawat tudling na may
isang metrong pagitan. Maglagay ng tulos sa bawat tundos kapag sumibol
na ang tanim.

Maglinang nang minsan o dalawang beses at mag-alis ng damo.
Patubigan ang pananim tuwing ika-10 araw kung tag-araw.
Maglagay ng abono sa mga tudling bago magtanim. Kakailanganin ang
250 kilong abono sa bawat ektarya.

Ang mga murang bunga na panggulay ay maaani pagkaraan ng 60-80
araw pagkatanim. Ang mga tuyong bunga ay maaani pagkaraan ng
tatlong (3) buwan.

Ang mga uod, uwang, langaw (bean-fly) at kuto (aphids) sa halaman ang
mga peste na sumisira sa pananim na sitao. Upang mapangalagaan ang

mga pananim, magbomba ng Sevin kung kinakailangan.



Chicken with Pineapple Tidbits (tekstong prosidyural)

ni Hyline langgam

Mga sangkap

1 kilo Chicken fillet 1 small can Pineapple Tidbits 1 clove garlic 1 medium onion salt, pepper and sugar 2 tbsp sugar 1 tbsp. cornstarch 1 slice ng cheddar cheese

Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman. 2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan 3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika 4. Ilagay ang piniritong manok. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig. Takpan. 5. Ilagay ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo 6. Timpalahan ng asin at asukal ayon sa inyong panlasa 7. Lagyan ng isang slice na cheddar cheese. 8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

9. Ihain habang mainit

Paano nga ba magluto ng MARUYA? (prosidyural)

ni Jecille Ma Ariston
UNA, ihanda ang mga gamit na kakailanganin. At pati narin ang
Mga INGRIDIENTS.
PANGALAWA, balatan una ang saging
IKATLO, Ihanda ang kawali at pag itoy uminit na ay
Ilagay ang mantika. At hintaying uminit ng gusto.
PANG-APAT, kapag ang matika ay mainit na ilagay na ang
Saging na binalatan.
PANGLIMA ,Ilagay ang pulang asukar sa saging.
PANG -ANIM, haloin Ito upang kumalat ang asukar sa saging.
PANGPITO, Hintayin na maging pula ang saging .
PANGWALO, kapag sa tingin mong luto na itoy hainin.
PANGSIYAM, itoy tuhugin gamit ang pantuhug.
PANGHULI ,itoy iserve at ready to eat na ang MARUYA.


Mga kabataang hindi pinalaki ng maayos (argumentatibo)

ni Hyline Langgam Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon. Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot. Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga. Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa. Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo. Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na yung “lizard”. Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”. Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka. Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito. Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan.